PORAC, PAMPANGA—Isang makasaysayang araw para sa mga katutubong Ayta Mag-Indi at Ayta Mag-Antsi ng Munisipalidad ng Porac, Pampanga! Ngayong araw, ika 31 ng Mayo taong 2022, naganap ang awarding ceremony sa pamamahagi ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) para sa mga Ayta Mag-Indi at Ayta Mag-Antsi ICCs/IPs ng Porac sa pangunguna ng NCIP Region 3, Porac LGU, at Provincial Government of Pampanga.
Kasamang namahagi ang mga opisyales ng NCIP 3 Regional Director Atty. Roland P. Calde, Commissioner for Region 3 and the rest of Luzon – Atty. Rhodex P. Valenciano, Commissioner for Region 2 – Ms. Simplicia Hagada, mga NCIP Bureau Directors sa panguguna ni Atty. Caesar Ortega ng Ancestral Domain Office, Porac Mayor Hon. Jaime “Jing” Capil, Vice Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda, at Former President and Congresswoman Elect for 2nd District of Pampanga Gloria Macapagal-Arroyo.
Bilang mga itinalagang IP Leaders ng komunidad, tinanggap nina Indigenous Peoples Structure (IPS) Chairman Benny Capuno, Indigenous Peoples’ Organization (IPO) Chairman Roman King, at Indigenous Peoples Mandatory Representative (IMPR) Edwin Abuque, kasama ang mga IP Elders at Barangay IPMRs ay masaya nilang tinanggap ang kanilang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT). Bukas ang mga ICCs/IPs sa mga pag-unlad at pag-ansenso ng kanilang Ancestral Domain sa susunod na mga araw ngayon pang natanggap na nila ang kanilang minimithing titulo.
Mabuhay ang mga katutubong Ayta ng Porac, Pampanga!