Kababaihang Katutubo, Bida sa Women’s Month Exhibit ng NCIP

Nakiisa ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa seremonyal na pagsisimula ng National Women’s Month Celebration (NWMC) ngayong araw, 5 Marso 2025, sa SM Mall of Asia Music Hall kasama ang Philippine Commission on Women (PCW).
 
Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan, nagtulong-tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang bumuo ng eksibit na nagbibigay-pugay sa mga kababaihan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang mga Kababaihang Katutubo.
 
Bitbit ang temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,” layunin ng programa na itaguyod ang pantay-pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat ng kababaihan.
 
Naisakatuparan ang programa sa pangunguna ng PCW at sa pakikipagtulungan ng SM Cares. Ito ay hudyat ng isang buwang pagdiriwang at pagkilala sa mga tagumpay at kontribusyon ng kababaihan sa lipunan.