Isang nakakakilig na Pamasko ang natanggap ng labing-isang (11) pares ng mga katutubong Ayta ng Calamba, Laguna dahil sa Kasalang Handog ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco
Ang kasalan ay ginanap noong Ika-14 ng Disyembre 2021 sa Calamba City Hall. Buong pusong nagpasalamat ang punong tribu na si Chieftain Ronnie Remo sa pag aalaga at pagmamahal ng lokal na pamahalaan ng Calamba sa kanilang mga katutubong Ayta na naninirahan sa Brgy. Milagrosa at Makiling ng nasabing lungsod.
Ang kasalan ay isa lamang sa mga gawain ng Local Civil Registrar ng Calamba na si Ms. Ednalina S. Masongsong, kasama na ang late civil registration ayun na rin sa pakikipag ugnayan ng NCIP Catanauan CSC. Dumalo sa nasabing kasalan sina Atty. Josefina S. Rodriguez-Agusti (RHOr), Rosita S. Liwagon (CDO III) at Angelyn Nadres (TAA III) ng NCIP.
Patuloy na makikipag ugnayan ang NCIP sa pamamagitan ng CAO I ng Catanauan CSC na si Jerome Enrique B. Enriquez sa mga susunod pang pagtugon sa karapatan ng mga katutubong Ayta ng Calamba.
Bisitahin at i-follow lang ang NCIP Facebook page kasama ang Regional, Provincial, at Community Service Center Facebook Pages para sa iba pang impormasyon ukol sa ating mga kapatid na katutubo.
#NCIP
#NCIPParaSaIP