Malugod na sinalubong at tinanggap ng mga Katutubong Ayta ng Tongko, Tayabas ang pagdating ng mga panauhin nila para sa ginanap na IP Community Visit and On-Site Eye Screening sa kanilang pamayanan

TINGNAN | Malugod na sinalubong at tinanggap ng mga Katutubong Ayta ng Tongko, Tayabas ang pagdating ng mga panauhin nila para sa ginanap na IP Community Visit and On-Site Eye Screening sa kanilang pamayanan nito ika-21 ng Hunyo 2021. Ang kanilang mga bisita ay mga executive officials ng Fred Hollows Foundation na mula pa sa Australia na siyang sumusuporta sa Community Eye Health Program ng lalawigan ng Quezon. Isa sa mga pangunahing benepisyaryo ng programa ang mga katutubo na nag umpisa ng taong 2019. Kasama sa mga dumating ang Provincial Eye Health Team, na binubuo ng Integrated Provincial Health Office, DepED, Provincial LGU ng Quezon, City Health Office ng Tayabas, Pamunuan ng Barangay Tongko at NCIP IV-A sa pamamagitan ni G. Fil Vincent Garcia, Nurse II bilang IP Eye Health Focal ng nasabing programa.