02 Enero 2025 – Ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ay ginawaran ng National Privacy Commission (NPC) Seal and Certificate of Registration for Data Privacy. Matagumpay na nairehistro ang mga Sistema ng Pagpoproseso ng Datos sa NPC, kung saan si Mervyn H. Espadero ang nagsisilbing Data Privacy Officer ng ahensya.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng walang humpay na pagsisikap ng NCIP na maisulong ang tiwala at pananagutan sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga protokol para sa seguridad ng datos at impormasyon sa lahat ng aspeto ng pagpapatupad ng mga serbisyo ng ahensya.
Ito rin ay sumisimbolo ng muling pagtibay ng pangako na palakasin ang pagtugon sa lumalaking alalahanin ng publiko ukol sa personal na datos. Bukod dito, nagsisilbi itong inspirasyon upang isulong ang mas angkop, epektibo, at matatag na hakbang para sa proteksyon ng datos ng bawat isa.