Ika-9 ng Agosoto 2023, ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ay dumalo sa eksibit na pinamagatang, “Pamana: Hinabing Salaysay ng mga Katutubong Pilipino” bilang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Katutubo na ginanap sa Sen. Recto Room, Senate of the Philippines.
Isang eksibit ng mga kahanga-hangang kasuotan at tela na likha ng iba’t-ibang Katutubong Pamayanan sa buong Pilipinas. Ito ay dinaluhan ng mga iba’t-ibang kinatawan ng pribadong sector at kagawaran ng pamahalaan, na nagkaisa upang suportahan ang Kandama Social Enterprise na nagtataguyod ng katutubong kasuotan sa makabagong panahon.
Ang eksibit ay inilusad sa pangunguna ni Senador Robinhood Padilla, kasama ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Department of Science and Technology Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI), at ng Senate Gender and Development Focal Point System. Ito rin ay suportado ng CulturAid ang Kandama Social Enterprise.
Sa kabuuan ng programa, ang NCIP ay nakapagbigay ng Project Epanaw Coffee Table Books, 2022 Annual Accomplishment Report, at kopya ng librong “An Island they Called Mazaua” sa mga dumalo sa eksibit.
#NCIP #NCIPParasaIP