
Lunes, 10 Marso 2025, nakipagpulong ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Office of the Executive Secretary (OES) upang talakayin ang kasalukuyang lagay ng mga proyekto at pondo ng NCIP.
Sa pangunguna ni NCIP Chairperson Jennifer Pia Sibug-Las at suporta nina Executive Director Mervyn H. Espadero, Commissioners Rhodex P. Valenciano, Simplicia P. Hagada, at Marie Grace T. Pascua, naging makabuluhan ang pagpupulong ng Komisyon kasama si OES Undersecretary Leonardo Roy A. Cervantes.
Matapos ang pagpupulong, nananatiling positibo ang parehong partido na maihahatid ng NCIP ang mga pangunahing serbisyo at pangangailangan ng mga Katutubong Pamayanan sa kabila ng mga kasalukuyang pagsubok ng Komisyon.