NCIP, Pinarangalan ng Gawad Bayanuhan sa Pamumuhunan

Kinilala ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at si Chairperson Jennifer Pia Sibug-Las sa Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan Awarding Ceremony na ginanap kaninang umaga, 13 Marso 2025, sa Ceremonial Hall ng Malacañang Palace.

Sa pangunguna ni Chairperson Sibug-Las, tinanggap ng NCIP ang parangal mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan ay kumikilala sa mga pambihirang pagsisikap ng mga ahensya ng gobyerno sa pagpapabilis ng pag-isyu ng mga permits at lisensya upang mapadali ang pamumuhunan at pagnenegosyo sa bansa.

Bilang pakikibahagi sa pagsulong ng Executive Order (EO) No. 18 o “Constituting Green Lanes for Strategic Investments,” pinabilis at tinanggal ng ahensya ang red tape sa paglabas ng mga sertipikasyon at permit na nasa loob ng ancestral domains, partikular na ang Certificate of Non-Coverage.

Ang EO No. 18 ay naglalayong isaayos ang mga regulasyon na humahadlang sa pagpasok at pagsasakatuparan ng mga strategic investments, kabilang ang red tape at mga pagkaantala sa pagproseso ng mga permits at lisensya.

Makakaasa ang ating mga kababayan na patuloy ang pakikibahagi ng NCIP sa pagpapalakas ng pamumuhunan at pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa!
Photo courtesy of Presidential Communications Office