Pagbubukas ng Dayaw 2023
Posted on: October 20, 2023
20 October 2023 | Ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ay nakilahok sa pambungad na programa at pagbubukas ng Arts and Crafts Fair , workshops, at mga demonstrasyon para sa Dayaw 2023 na may temang, “Buhay na Dunong: Pagkamalikhain at Kalikasan” (Living Heritage: Creativity and Nature) sa pangunguna ng
National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Arroceros Park, Manila.
Kasama din dito ang National Museum, Komisyon ng Wikang Filipino, National Historical Commission of the Philippines, Technical Education and Skills Development Authority, at ang Lungsod ng Maynila. Mayroon ding cultural outreach sa mga piling unibersidad sa hapon at pista ng pagtatanghal na gaganapin sa Metropolitan Theater sa gabi.