Sa isang panayam sa Laging Handa Briefing nitong ika-30 ng Oktubre taong kasalukuyan, ibinahagi ng NCIP Medical Officer na si Dr. Angelica M. Caliba-Cachola na nasa 1,072,452 na mga katutubo na ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Posted on: November 1, 2021
Dagdag pa niya, patuloy ang pagbibigay ng tulong ng NCIP sa mga Katutubong Pamayanan kasama na rito ang pagbibigay ng tuloy-tuloy na Information, Education and Communication (IEC) campaign, malawakang pagbabakuna, at pagbibigay ng mga medical at food assistance para sa mga Katutubong Pilipino sa buong bansa.
Walang kapagurang kalinga at suporta rin ang ibinabahagi ng NCIP upang tuloy-tuloy na maalagaan ang kapakanan ng mga katutubo sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa mga pangunahing pangangailangan ng mga ito at pagbibigay aksyon o tugon sa mga komunidad lalo na ngayong panahon ng pandemya.