Tatlong Ahensya ng Gobyerno, nagsama-sama para makapaghatid ng serbisyo sa mga katutubong Agta ng Sitio, Magamut, San Vicente,San Pablo,Isabela.
Pinangunahan ng NCIP Ilagan Community Service Center na pinamumunuhan ni Arnold Preza,CDO III kasama sina Jhunmar Mallillin,CAO I at Richard Curibang,TAA II ang isang pagpupulong sa pagitan ng mga Katutubong Agta ng Sitio Magamut,San Vicente,San Pablo,Isabela, 95th ID,AFP na pinangunahan ni 1st Lt. Rodel C. Bunao,CMO at ng Department Of Agriculture-Rehiyon 2 sa pamamagitan ni G. Keith Ramos.
Sa nasabing pagpupulong, iprinesenta ni G. Ramos ang Programa ng Department of Agriculture (4K PROJECT) na syang ipagkakaloob sa kanilang komunidad bilang pagtupad sa kanilang kahilingan. Matapos ang talakayan at pagdedesisyon, isang resolusyon ng pahintulot ang nabuo na syang pinagtibay ng mga katutubong Agta.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang Kasundaluhan ng 95th ID upang ibahagi ang mga ginagawang hakbangin patungkol sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lugar. Nagbigay daan din ito upang maliwanagan ang mga katutubong agta at naayos ang mga naidulog na gusot patungkol dito.
Sa pagtatapos ng programa ay masayang tinanggap ng mga katutubo ang kaunting tulong (Food packs) mula sa 95th ID at sa Provincial Government na inisyatibo ng NCIP Ilagan.