Tiglilimang kambing, apat na babae at isang lalake, ang natanggap ng anim (6) na pamilya upang kanilang alagaan at maparami.
Isa sa mga layunin ng proyekto ay maibahagi sa iba pang kasapi ng pamayanang Ayta ang magiging anak ng mga kambing na ito. Ito ay ginanap noong Ika – 17 ng Disyembre 2021. Nagkaroon din ng maikling pagsasanay sa mga Ayta tungkol sa pangangalaga ng kambing.
Ang proyektong ito ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng NCIP IVA sa pangunguna ng NCIP Catanauan CSC. Katuwang ng DA IVA sa araw na ito ay sina Rosita S. Liwagon (CDO III), Jerome B. Enrique Enriquez (CAO I), at Angelyn Nadres (TAA I). At bilang kinatawan ng masipag at butihing Director ng NCIP4A na si Dr. Carlos P. Bausen, dumalo si Atty. Josefina S. Rodriguez-Agusti (RHOr).
Bisitahin at i-follow ang Official NCIP Facebook page at ang Regional, Provincial, at Community Service Center Facebook Pages para sa iba pang balita patungkol sa mga proyekto para sa ating mga kapatid na katutubo!
#NCIP
#NCIPxDA
#NCIPParaSaIP